Tagalog

Tungkol sa The Legal Clinic (TLC) 

Ang Aming Misyon: Upang matiyak ang hustisya para sa mga imigrante at migrante na may mababang kita sa Hawaiʻi sa pamamagitan ng de-kalidad na mga serbisyong legal sa imigrasyon, edukasyon, at adbokasiya.   

Ang aming mga Serbisyo 

Libre. Kumpidensyal. Mahabagin. Madaling lapitan. 

Kasama sa mga serbisyo: 

  • Gabay at Payo 

  • Paghahain ng mga papeles sa USCIS 

  • Depensa sa Deportasyon 

  • Tulong sa mga may status sa COFA 

  • Makataong Tulong 

  • Pagpapalit at Pag-renew ng Dokumento ng Imigrasyon 

  • Mga klinika para sa Naturalisasyon 

  • Iba pang mga bagay sa Batas ng Imigrasyon

 Pribadong Konsultasyon: Sa isang konsultasyon, ang aming legal team ay nakikinig sa mga alalahanin ng tao at tinatalakay kung alin sa mga opsyon ang maaaring gamitin. Ang isang konsultasyon ay hindi pagsang-ayon na kukunin namin ang kaso. Ang TLC ay maaaring gumawa ng mga referral sa iba pang legal o social service provider, o sa mga pribadong abogado. Maaari ding isaalang-alang ng TLC na tanggapin ang kaso kung ito ay akma sa aming mga prayoridad. 

Legal na Representasyon sa Imigrasyon: Kung tanggapin ng TLC ang isang kliyente, nangangahulugang pangangatawanan namin ang indibidwal sa proseso sa U.S. Citizenship & Immigration Service (USCIS) o sa federal immigration court.

Mga Workshop & Klinika: Nakikipagsosyo ang TLC sa iba pang provider ng komunidad, mga institusyong nakabatay sa pananampalataya, mga tagapagsagawa ng serbisyong legal, at mga paaralan upang mag-alok ng mga workshop, webinar, at mga klinika sa mga paksang nauugnay sa hustisya sa imigrante at mga serbisyong legal sa imigrasyon. Inaalok ang mga kaganapang ito sa O’ahu o mga kalapit na isla at limitado batay sa bilang ng mga kawani at pondo. 

Ang mga legal na serbisyo ng TLC ay walang bayad para sa mga nakakatugon sa aming mga alituntunin sa pangangailangang pinansyal. 

 

Sino ang Kinakatawan ng TLC? 

Pagiging karapat-dapat: Ang Legal Clinic ay naglalayong magbigay ng mga serbisyong legal sa imigrasyon sa mga residente ng Hawaiʻi na ang kabuuang taunang kita ng sambahayan ay hindi hihigit sa 200% ng kasalukuyang pederal na antas ng kahirapan. Ang Legal Clinic ay nagbibigay ng mahahalagang serbisyo nang walang pagsasaalang-alang sa bansang pinagmulan, katayuan, sa imigrasyon, etnisidad, pangunahing wika, relihiyon, ideolohiya, pagkakakilanlan ng kasarian, oryentasyong sekswal, edad, o kakayahan/kapansanan. 

Nakikipagtulungan kami sa mga kliyente upang tulungan silang makakuha ng green card, citizenship, pahintulot na magtrabaho, muling pagsasama-sama ng pamilya, at asylum upang protektahan sila sa sapilitang pagbabalik sa karahasan at persekusyon sa kanilang mga bansang pinagmulan.

Kailangan mo ba ng tulong sa ibang wika? Tutulungan namin kayong maghanap ng libreng interpreter. Gamitin ang contact form sa itaas ng page upang sabihin sa amin kung alin ang inyong wika, at makikipag-ugnayan kami sa inyo.